Tuesday, 8 October 2019

Naratibong Pagsulat

   August 23,2019 nagkaroon ng isang Performance Task ang seksyon ng HE-1 ito ang “Talk Show”na ibinahagi nito ang mga karanasan ng isang matagumpay na negosyante kung paano sila nagpursigi para maka ahon sa kahirapan at nagbahagi ng kaalaman ang mga matataas na opisyales ng Kagawarang ng Edukasyon.Isang inspirasyonal na mensahe ang ibinahagi ng sikat na Chef sa Cagayan de Oro na si Leonel Pimentel Abao  na pinamalas ang kanyang estilo sa pagluluto,binahagi din nya kung saan sya humugot ng inspirasyon upang maging determinado sa trabaho,ginawa niya lahat upang matulungan niya ang kanyang pamilya,ibinahagi din nito kung paano magsakripisyo ang isang anak para sa pamilya.Nagbigay siya nag sikreto upang maging matagumpay sa buhay  na  maging masipag lang lagi at magtiwala sa sarili dahil diyan ka makakakuha ng lakas ng loob upang harapin ang mga pagsubok sa buhay.Nagbahagii din ang isang opisyales ng Kagawaran ng Edukasyon na si Bb.Herjane Gimo nagbahagi siya kung paano nakuha ni Leonel Pimentel Abao ang skolarship na binigay sa kanya at paano makakakuha ng libreng Tuition sa koliheyo ang isang studyante na gustong makapag aral ng libre.Kahit anong kurso pwedeng makapili  ng libre.Sina Jessica Dagunlay at Clint Danao ay sikat sa paggawa ng mga ibat ibang libro para sa lahat ginawa nila ito upang ang lahat ng tao ay makapagbasa at madadgdagan ang kanilang kaalaman dahil naniniwala sila na hindi ang teknolohiya ang wawasak sa kaamalan ng tao kundi magiging kaagapay parin ang pagbabasa dahil iba parin ang nagbabasa kaysa nanonood lamang.Ang kanilang kompanya ay kayang gumawa ng mahigit 1000 sa isang araw dahil hindi lang Pilipinas ang kanilang binibigyan kundi ang buong mundo.lagi nilang sinasabi na magtiwala lang sa sarili at sabayan ng sikap dahil ito ang magpapangat sayo sa buhay.Isa isa silang nagbigay ng mensahe sa gustong umasenso sa buhay.Lahat sila ay iisa ang payo ito ang laging magpasalamat sa lahat ng biyayang binigay ng Diyos.

No comments:

Post a Comment