Saturday, 13 July 2019

Dokumentong Teknikal


                       
                  Ang Paggawa ng Quilling

   Naghahanap kaba ng masayang gawin? Kung ganun tuturuan namin kayo kung paano gumawa ng Quilling Art,madali lang itong gawin paikot-ikotin mo.lang ang mga papel at makakagawa kana ng magandang Quilling Art.Ang kailangan lang gawin ay gugupitin mo lang yung construction paper na manipis na parihaba,gunting,glue at suklay.
    Unang gagawin ay gugupitin mo ang ibat-ibang kulay na papel sa manipis na parihaba at maghanda ng maitim na matigas na parisukat o kung anong gusto mong kulay .Kung gusto mong gumawa ng bulaklak ang gagamitin mo ang suklay,ipasok ang parihaba na papel sa hibla ng suklay hanggang makabuo ng hugis bulaklak,kung gusto mong gimawa ng hugis bilog ang gagamitin mo ay stick,ilagay ang stick sa ibabaw ng papel at paikotin lang ito at makakabuo kana ng bilog at dikitan ito glue.Pagkatapos mong gumawa ng mga hugis pwede kanang magdesinyo kung anong gusto mong desinyo ng iyong Quilling,bawat hugis ay dapat dikitan ito ng glue sa dulo para hindi madaling masira o matanggal.Mas masaya itong gawin kung marami kayo dahil sa panahon ngayon malimit na itong ginagawa ng mga kabataan ngayon dahil sa makabagong teknolohiya.


                               Miyembro:
                            Abao,Leonel
                     Nanay,Ryan James
                            Elago,Elago
                               Paca,Axel

No comments:

Post a Comment