Thursday, 5 September 2019

Dokumentasyon ng Produkto

                                 PAROL


  Ang Parol ay gawa sa kawayan at papel na may iba't-ibang hugis at laki,pero nakaugaliang hugis ng Parol ang hugis bituin at nag didatingan na ang ibang mga hugis ng parol,nagiging palamuti na ito sa lahat ng sulok ng bansa pagdating ng Disyembre.Ito ay naging kultura na ng mga Pilipino ang magpalamuti ng Parol sa kanilang mga bahay tuwing pasko.At naging kaugalian na ng Pilipino ang paggawa at pagbinta nito, dahil sa madali itong ibenta,makulay at abot kaya pa ito.Sa dami ng problema ng bansa tungkol sa basura na hindi mawala-wala itong parol na ito ay nakatutulong upang bawasang ang problema sa basura dahil gawa lamang ito sa kawayan at papel kaya't hindi ito nakapinsala ng kapaligiran.


a)Ang Parol na ito ang magiging simbolo sa mga Pilipino na kahit mahirap at walang handa kapang meron kang parol maaamoy mo ang Pasko.
b)Sa buwan ng Disyembre laganap ang Parol sa buong bansa marami ang paggamitan nito dahil pwede ito sa lahat ng anggolo.
c)Hindi na ito nangangailangan ng makinarya upang gawin ito dahil kamay ang gagamitin upang gawin ito.
d)Ito ay hindi nakapipinsala sa kapaligiran dahil gawa ito sa kawayan at papel kayat ligtas at mabuti itong gamitin.
e)Lahat ng tao ay tatangkilikin ito dahil makulay at maganda ito.
f)Ang Parol na ito ay gagamitin lamang sa buong buwan ng Disyembre dahil sa pagdiriwang ng Pasko.

     Itong Parol na ito ay magbibigay ng kulay sa bansa at magsisilbing liwanag sa madilim na buhay ng tao dahil sa mga pagsubok na kinakaharap ng bawat isa tignan mo lang ang Parol bibigyan ka nito ng kaginhawaan.Plano nito na pagyabungin pa ang paggawa ng Parol sa Bansa dahil naniniwala ako na ang talento ng Pilipino ay hindi limitado at upang ang lahat ng tao sa bansa ay magkaroon ng Parol sa kanilang bahay tuwing pagsapit ng Pasko.


Published by:
Leonel Pimentel Abao